ACAPULCO, Mexico (AFP) – Sumiklab ang gulo sa bilangguan sa Mexico kung saan ginilitan ng nagkakagulong preso ang kapwa nila preso na ikinamatay ng 28 katao nitong Huwebes.

Nagkalat ang bangkay sa paligid ng maximum-security wing, kusina, bakuran ng bilangguan at sa conjugal visit area matapos ang riot sa federal prison sa Las Cruces sa Acapulco, sinabi ng security spokesman para sa estado ng Guerrero.

“The incident was triggered by an ongoing feud between rival groups within the prison,” ani spokesman Roberto Alvarez, sa isang press conference.

Ito ang pinakabagong nakamamatay na pag-aalsa sa mga siksikang bilangguan ng Mexico, na laganap ang katiwalian, madalas magkaroon ng de facto control ang mga bilanggo, at kinapapalooban ng mga kontrabandong armas at droga.

Internasyonal

Katy Perry, pumunta sa outer space kasama ng iba pang all-female crew

Nag-utos na ang gobernador ng Guerrero na imbestigahan ang lahat ng namamahala sa bilangguan, ani Alvarez.