July 27, 2026

Home BALITA National

Rep. Tiangco, umaasang bibirahin ni PBBM pinsang si Rep. Romualdez

Rep. Tiangco, umaasang bibirahin ni PBBM pinsang si Rep. Romualdez
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Inaasahan ni Navotas lone district Rep. Toby Tiangco na ihahayag sa publiko ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa ikalima niyang State of the Nation Address (SONA) ang status ng kaso umanong kinakaharap ni dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez. 

Sa naging pahayag ni Tiangco sa panayam sa kaniya ng mamamahayag na si Kat Domingo nitong Lunes, Hulyo 27, 2026, inilatag niya ang dalawang bagay na “awkward” daw sa posisyon nila nina PBBM at Romualdez bilang kaniyang mga cousin-in-law. 

“Kailangang magbigay siya ng status doon sa kaso ni dating former Speaker Martin Romualdez,” pagsisimula niya. 

Ani Tiangco, trabaho raw nila ang pagiging opisyal ng gobyerno at labas na raw ang pagiging magpipinsan nila sa tungkuling dapat nilang gampanan. 

“Number one ‘yong awkward position, trabaho ito. Labas dito ‘yong pagiging cousin-in-law ko sa kanilang dalawa kasi trabaho namin ito,” aniya. 

National

‘It will bring quality jobs!' PBBM, aprub na sa Pax Silica?

Diin pa ni Tiangco, umaasa siyang pupuntiryahin ng Pangulo si Romualdez dahil may kapangyarihan daw ito na isulong ang pananagutan kung saan hindi pumoprotekta sa mga kakampi at inuuna ang mga kalaban sa politika. 

“Pangalawa, whether I expect him to go after, ang point ko dito is he is in the position to prove na ang accountability ay walang pinipiling politika,” ‘ika niya. 

Dagdag pa niya, “Hindi prinoproteksyunan ‘yong mga kakampi at hindi inuuna ‘yong mga kalaban.” 

Pagpapatuloy ni Tiangco, pinakamahalaga raw na hindi natatakot si PBBM sa sinabi noon ni Romualdez na hindi ito papayag nang mag-isa dahil marami raw itong nalalaman sa kasalukuyang administrasyon. 

“The most important thing the President has to prove is hindi siya natatakot doon sa sinabi ni former Speaker Martin Romualdez na he will not go down alone at marami siyang alam tungkol sa administrasyon,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'I will not go quietly, I will not go alone!' Romualdez, pumalag sa tangkang gawing 'scapegoat' sa isyu ng korapsyon

KAUGNAY NA BALITA: 'I will not keep quiet anymore!' Romualdez, nagsalita sa mga isyu matapos mapahamak ang anak