May 22, 2026

Home BALITA National

'I will not keep quiet anymore!' Romualdez, nagsalita sa mga isyu matapos mapahamak ang anak

'I will not keep quiet anymore!' Romualdez, nagsalita sa mga isyu matapos mapahamak ang anak
Photo courtesy: Rep. Martin Romualdez (FB)

Tila napuno na ang salop para kay dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez at sinabi niyang hindi na siya kailanman mananahimik pa matapos na tila madamay ang kaniyang anak pagbuo ng umano’y hindi makatarungang mga naratibo.

Ayon sa inilabas na video statement ni Romualdez nitong Martes, Abril 21, 2026, sinabi muna niyang mas pinili niyang manahimik sa loob ng matagal na panahon upang magpakita raw ng respeto sa legal na proseso, hindi na dumagdag pa sa mga ingay, at umasang kusang lalabas ang katotohanan kung makikipag-ugnayan na lang siya sa mga awtoridad. 

“For a long time, I chose to remain silent. I did so out of respect for the legal process, I did so because I do not want to add more noise to an already divisive issue,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “I did so because I believed that if I cooperated fully, submitted myself to the proper authorities, and answered every question asked of me, the truth would eventually speak for itself.” 

Giit ni Romualdez, may punto raw kung kailan hindi na dapat pa manahimik. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Pagbabahagi niya, napahamak at nagamit daw ang kaniyang anak para sa pagbubuo ng mga hindi totoong naratibo tungkol sa kaniya. 

“But there’s come to a point where silence is no longer prudence. My son has been abused and weaponized to build a narrative that is false, twisted, and unfair,” diin niya. 

Pagpapatuloy niya, hindi na raw siya kailan pa mananahimik, haharap, at magsasalita na raw siya nang naaayon sa katotohanan. 

“Let me be clear, I will not keep quiet anymore. I will face this head-on and I will speak with facts because the truth deserves to be heard,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, wala namang partikular na indibidwal o samahan na tinukoy si Romualdez kaugnay sa kaniyang naging pagsasalita sa publiko. 

KAUGNAY NA BALITA: Kampo ni Romualdez, dumepensa sa isyu sa ‘travel clearance’ at sa Ombudsman

KAUGNAY NA BALITA: Hirit ni Romualdez na travel clearance para sa angioplasty check-up, ligwak sa Ombudsman!