Ni: Mary Ann Santiago

Arestado ang anim na katao sa magkahiwalay na drug operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga inaresto na sina Gian Carlo Pajarillo, 18; kasama niyang 17-anyos na lalaki, kapwa ng Sta. Cruz; Martin Vandong, 28; Wendy Castillo, 24; Marnico Gampis, 25; at Mary Jane Bautista, 34, pawang taga-Malate.

Dinampot ng mga tauhan ng MPD-Station 3 si Pajarillo at kasama niyang menor de edad sa Oroquieta Street, dakong 11:30 ng gabi kamakalawa.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Nagpapatrulya ang awtoridad nang mamataan ang dalawa na nagpapalitan ng kontrabando, na kalaunan ay nadiskubre umanong shabu, at agad dinakip.

Nakumpiska sa kanila ang tatlong pakete ng umano’y shabu.

Samantala, inaresto naman ng mga tauhan ng MPD-Station 9 sina Vandong, Castillo, Gampis at Bautista sa buy-bust operation sa Leveriza St., dakong 5:00 ng madaling araw kahapon.

Nakuha sa kanila ang 14 na pakete ng umano’y shabu at R200 marked money.

Pawang nakakulong ang anim na suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.