Duguan ang isang helper matapos saksakin ng kanyang kinakasama dahil sa pagtatalo sa pera sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa.

Nagtamo ng saksak sa kanang pisngi at nasa mabuti nang kondisyon si Romnick Arcangel, 28, ng 2244 Rizal Avenue, sa Sta. Cruz.

Nakatakas naman at pinaghahanap na ng awtoridad ang kanyang kinakasama na si Clarissa Mae Seregene, 27.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Psolice Supt. Arnold Thomas Ibay, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 3, bandang 12:15 ng tanghali nangyari ang pananaksak sa loob ng kuwarto ng biktima at ng suspek.

National

VP Sara sa mababang boto ng Alyansa senatorial bets: ‘It's because of the President!’

Ayon kay PO3 Geford Neil Gramaje, may hawak ng kaso, nag-ugat umano ang insidente sa kakulangan sa pera na ibinibigay ni Romnick kay Clarissa Mae.

Sa gitna ng pagtatalo ng dalawa, ayon kay PO3 Gramaje, ay kumuha ng kutsilyo si Clarissa Mae at sinaksak sa pisngi si Romnick. (Mary Ann Santiago)