Bulagta ang isang lalaki na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa.

Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Mar Salazar, alyas Alimango, tinatayang 45 anyos, ng Blumentritt Street sa Sta. Cruz ngunit nasawi dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ni PO2 Jonathan Ruiz, ng Manila Police District - Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), dakong 4:30 ng hapon ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng MPD-Station 3 ang operasyon laban kay Alimango sa isang eskinita, na matatagpuan sa tapat ng 2511-A P. Guevarra St.

Nakarating sa awtoridad na patuloy pa rin sa pagbebenta ng droga ang suspek, kaya nagpanggap na buyer si PO2 Ivan Ace Mercado at bumili ng P500 halaga ng shabu sa suspek.

National

Liderato ng Kamara, posible pa ring pamunuan ni Romualdez—Solon

Gayunman, nang sumenyas ang pulis na tapos na ang transaksiyon, bumunot ng baril si Alimango at nagpaputok.

Dahil sa naramdamang panganib sa kanilang buhay, agad pinaputukan ng back up na pulis ang suspek.

Narekober kay Alimango ang isang cal .38 revolver na kargado ng apat na bala, limang pakete ng umano’y shabu at P500 buy-bust money. (Mary Ann Santiago)