Arestado ang isang lalaki na umano’y nanakot at nanghamon ng away sa mga dumaraan sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang nakakulong si Alex Druga, 20, ng Gate 7, Parola Compound, sa Moriones- Tondo Police Station at kinasuhan ng Alarm and Scandal.

Base sa inisyal na imbestigasyon, humingi ng tulong sa awtoridad ang mga concerned citizen makaraang takutin ni Druga ang bawat dumaraan habang may hawak na patalim.

Agad rumesponde ang mga pulis at inaresto si Druga. Nang kapkapan, nakuha kay Druga ang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana at patalim.

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

Samantala, inaresto rin ang isang Jerwin Lerios, 21, matapos umanong makialam sa pag-aresto kay Druga.

(Analou De Vera)