Timbuwang ang isang hinihinalang drug pusher habang inaresto ang tatlong iba pa sa buy-bust operation sa Caloocan City, nitong Martes ng gabi.

Dead on the spot si Amando Navera, 37, ng NPC Road, Barangay 166, Caybiga ng nasabing lungsod, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Arestado naman ang kanyang mga kasama na sina Sonny Villanueva, 49; pinsan na si Genesis Navea, 26; at Eugene Buena, 32, pawang residente ng Bgy. 166, Caybiga.

Sa ulat ni Police Sr. Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan Police, dakong 8:10 ng gabi isinagawa ng mga tauhan ng North Extension Office-Drug Enforcement Unit (NEO-DEU) ang operasyon sa lugar ng mga suspek.

Eleksyon

Sen. Imee, okay lang kahit di binanggit ni PBBM sa campaign rally; tutok kay FPRRD

Si PO1 Marlon Carpio ang nagsilbing poseur buyer.

Nakatunog umano si Navera na pulis ang kanyang kausap kaya bumunot siya ng baril at pinaputukan si PO1 Carpio, ngunit hindi tinamaan, hanggang sa gumanti ang mga nakaantabay na pulis ang bumulagta ang suspek.

Nang makita ang pagbulagta ni Navera, hindi na nanlaban at sumuko na lamang sa awtoridad ang tatlo pang suspek.

Nakuha mula kay Navera ang hindi madeterminang dami ng shabu at isang cal .45 baril. (Orly L. Barcala)