BANGKOK (Reuters) – Wala pang balak ang Thailand na harangin ang access sa Facebook, sinabi ng telecoms regulator kahapon, at inasahan nitong susunod ang social media giant sa mga kautusan ng korte na alisin ang mga nilalaman na itinuturing na banta sa pambansang seguridad.

Sa hakbang para i-censor ang mga batikos sa bansang pinatatakbo ng junta, binigyan ng gobyerno ang Facebook ng hanggang Martes para alisin ang 131 web address na ang mga nilalaman ay itinuturing na banta sa seguridad at lumalabag sa istriktong lese majeste laws. Gayunman hanggang sa pumaso ang palugit kahapon ay patuloy pa ring nabubuksan sa bansa ang Facebook.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline