Sinabi kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan niyang pag-isipan nang mabuti ang pagdedeklara ng martial law sa Mindanao upang tuluyan nang maresolba ang problema ng terorismo sa rehiyon.

Ito ay makaraang himukin ang Pangulo ng Save Sulu Movement na magdeklara na ng batas militar sa anim na munisipalidad sa Sulu at hikayatin ang Kongreso na magsagawa ng pagsisiyasat sa umano’y ugnayan ng ilang lokal na pulitiko sa teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).

Sa kanyang arrival speech sa Davao City kahapon mula sa opisyal niyang pagbisita sa Beijing, China, sinabi ng Presidente na kailangang maingat niyang limiin ang posibilidad ng pagdedeklara ng batas militar.

“I need time to ponder on it deeply and it is not on the—a political decision, it is an emotional decision,” sinabi ni Duterte kahapon ng madaling araw.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

“You do not tinker with the extraordinary powers of the state. But I remember two months ago, they were already throwing bombs in schools and planting IEDs (improvised explosive devices) in the high schools,” dagdag niya.

Iginiit ni Duterte na kung paiiralin niya ang batas militar sa Mindanao ay mareresolba niya ang lahat ng suliranin sa rehiyon, hindi lamang ang terorismo.

“I issued the warning that do not force my hand to declare martial law because if I do, I will solve everything that ails Mindanao,” sabi ng Pangulo. “I would not just tinker with it as if it’s a plaything. It’s a very serious matter.

But kung ako ang magma-martial law, there is no way of telling how long would it take us to restore order or we might not really be able to succeed.”

Muli rin niyang binigyang-diin ang kanyang babala na magiging nakakagulat kung magdedeklara siya ng batas militar sa Mindanao nang hindi niya sinasabi ang dahilan sa likod nito.

“I’m warning everybody that if I declare martial law, there is no telling how long would it be and for what purpose,” sabi ni Duterte. :I’m telling you now but I will not only decide to end rebellion, I will solve everything I said what’s sick in Mindanao.”

Ilang beses nang sinabi ng Pangulo na hindi siya magdedeklara ng martial law sa Mindanao dahil tiyak na magiging madugo ito—at maaapektuhan maging ang buhay mga inosenteng mamamayan.

Marso ngayong taon nang bantaan ni Duterte ang mga lokal na opisyal sa Mindanao na magdedeklara siya ng batas militar sa isla kung hindi siya tutulungan ng mga ito na sugpuin ang krimen, karahasan, terorismo at ilegal na droga sa rehiyon. (ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS)