Sugatan ang isang lalaki matapos siyang tagain ng anak ng kainuman niya sa Bukidnon noong gabi ng Linggo, Hulyo 26, 2026.
Ayon sa mga ulat, nag-iinuman ang biktima at ama ng suspek nang mauwi raw sa pagtatalo ang kanilang pag-uusap.
Matapos magtaasan ng boses ay nagkahamunan na ang dalawa at saka nagsuntukan.
Habang nagpapambuno, bigla umanong sumulpot ang 26 taong gulang na anak na kaibigan ng biktima at nakisali sa gulo.
Doon na raw pinagtataga ng suspek ang biktima. Sa lakas ng pananaga ay natanggal ang ilong ng biktima, sa kabila nang pag-ilag niya.
Samantala, mabilis naman siyang naitakbo sa ospital subalit kinailangan siyang ilipat pa sa mas malaking ospital dahil sa sinapit niya.
Kaagad namang naaresto ng mga awtoridad ang kaibigan ng biktima habang mabilis na nakapagtago ang suspek. Hinala ng pulisya, dala rin ng suspek ang bolo na ipinangtaga niya laban sa biktima.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo at pinagmulan ng away ng biktima at ama ng suspek, habang nagkasa na rin ng hot pursuit ang mga awtoridad.