Sugatan ang isang preso nang pagsasaksakin sa leeg ng kapwa niya preso, habang kumakain ng hapunan sa loob ng detention cell ng Manila Police District (MPD)-Station 4 sa Sampaloc, Maynila kamakalawa.

Nagtamo ng minor injuries si Wendell Mara, 33, miyembro ng “Bahala Na” gang, at residente ng Algeciras Street sa Sampaloc, matapos saksakin ng pako ni Darwin Alvarez, 35, miyembro rin ng Bahala Na gang, at residente ng 2143 F. Munoz St., Singalong.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Aquino Olivar, station commander ng MPD-Station 4, dakong 7:00 ng gabi ay naghahapunan ang biktima, kasama ang mga kapwa preso, nang bigla itong lapitan ng suspek at pinagsasaksak.

Ayon kay PO3 Elvis Laguarta, duty jailer, narinig niya ang pagkakagulo ng mga preso at nang tingnan ay duguan na ang biktima.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Agad inilabas sa selda si Mara upang malapatan ng lunas at nasa maayos na ngayong kondisyon, habang nakatakdang iharap sa piskalya si Alvarez para sampahan ng panibagong kaso. (Mary Ann Santiago)