DUBAI (AP) – Naglabas si Saudi Arabia King Salman ng kautusan sa mga opisina ng pamahalaan na pinahihintulutan ang kababaihan na tumanggap ng mga serbisyo ng gobyerno nang hindi na kailangan ang pahintulot ng lalaking kamag-anak.
Sinabi ng women’s rights activists na ang memo, ipinakalat sa mga opisina ng gobyerno nitong linggo, ay naglalatag ng mga karapatan ng mga babae sa Saudi na makapagtrabaho, magkaroon ng mataas na edukasyon o sumalang sa medical procedures, nang hindi na kailangan ang permiso ng lalaking tagapagbantay.