KABUL (Reuters) – Ipinahayag kahapon ng Taliban ang pagsisimula ng taunang opensiba nito sa tagsibol laban sa mga tropang Afghan at banyagang puwersa, binigyang–diin ang mga hamon na kinahaharap ng Amerika habang tinitimbang ang mga opsiyon sa Afghanistan.

Binansagan itong Operation Mansouri, ipinangalan sa dating lider na si Akhtar Mohammad Mansour na namatay noong nakaraang taon sa drone strike ng U.S.

Nakasaad sa pahayag ng Taliban na ang mga puwersa ng gobyerno "[would be] targeted, harassed, killed, or captured", gayunman nangako itong babawasan ang madadamay na sibilyan.

"The main focus of Operation Mansouri will be on foreign forces, their military and intelligence infrastructure and in eliminating their internal mercenary apparatus," ayon dito.

Internasyonal

Pinakamainit na temperatura ng mundo, posibleng maitala ngayong 2024

Ang mga operasyon ay kinabibilangan ng "conventional attacks, guerrilla warfare, complex martyrdom attacks, insider attacks, and use of IEDs (improvised explosive devices)".