July 28, 2026

Home BALITA National

Sen. Villanueva, idiniing 'dapat may managot sa flood control issue!'

Sen. Villanueva, idiniing 'dapat may managot sa flood control issue!'
Photo courtesy: Senate PRIB

Nanindigan at patuloy pa rin umanong umaasa si Sen. Joel Villanueva na dapat daw na may managot sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects. 

Sa naging pahayag ni Villanueva sa panayam sa kaniya ng media noong Lunes, Hulyo 27, 2026, sinabi niyang matagal na raw siyang naghahangad ng pananagutan sa isyu ng flood control projects. 

“Dapat may managot sa flood control issues. Alam n’yo po, we have been trolling for accountability,” pagsisimula niya. 

Ani Villanueva, matagal na rin daw siyang nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng nakatayo pa noong Independent Commission for Infrastructure (ICI), sa National Bureau of Investigation (NBI), Department of Justice (DOJ), Office of the Ombudsman (OMB), at iba pa, ngunit wala pa rin daw naisasampang kaso laban sa kaniya. 

“We have been submitting ourselves, tayo po… we have been cooperating from ICI, NBI, DOJ, Ombudsman, etc., but until now, no case. Zero cases have been filed against us,” aniya. 

National

'More to come:' Trillanes, inispluk resolusyon ng DOJ sa kasong cyberliber, perjury vs Atty. Baligod atbp!

Pagpapatuloy ni Villanueva, nagpapasalamat daw siya dahil dito at patuloy siyang nananalangin na mapanagot daw ang lahat ng dapat mapanagot sa maanomalyang flood control projects. 

“But still kahit na ganito ‘yong situation, we are still grateful and praying na mapanagot ‘yong dapat managot. Sapagkat hindi dapat ito iwanang isyu ng taumbayan,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang kasama si Villanueva sa listahan ng 89 indibidwal na iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong Disyembre 18, 2025 na kanilang inirekomendang sampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Ayon sa year-end press conference na isinagawa ni DPWH Sec. Vince Dizon noon, inilatag niya ang listahan ng mga indibidwal na iminungkahi nilang kasuhan ng plunder, malversation, anti-graft, bribery, at iba.

KAUGNAY NA BALITA: Romualdez, 86 iba pa inirekomendang kasuhan bago matapos ang taon—Sec. Dizon

KAUGNAY NA BALITA: 'Ridiculous complaint!' Sen. Joel, nagpasa ng counter-affidavit ugnay sa flood control case