MONACO (Reuters) – Pinasinayaan ng isang kumpanyang nakabase sa Slovakia ang disenyo ng flying car na nagkakahalaga ng mahigit $1 million nitong Huwebes, at sinabing tumatanggap na sila ng pre-order para sa delivery nito sa 2020.

Sinabi ng AeroMobil na ang kanilang AeroMobil Flying Car na naka-display sa Top Marques Monaco, ay kayang lumipat sa flight mode sa loob lamang ng tatlong minuto. Titiklop ang mga pakpak nito kapag tatakbo sa kalsada at lalabas naman kapag lilipad.

Upang makalipad, kailangan ng sasakyan ng airfield o isa pang aprubadong lugar para makapag-takeoff, habang ang mga may-ari ay dapat mayroong driving at pilot license, sinabi ni AeroMobil Chief Communications Officer Stefan Vadocz.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'