July 28, 2026

Home BALITA Metro

NAPOLCOM, nakiramay sa mga naiwan ng nasawing pulis na naaksidente matapos SONA duty

NAPOLCOM, nakiramay sa mga naiwan ng nasawing pulis na naaksidente matapos SONA duty
Photo courtesy: Unsplash, NAPOLCOM (FB)

Nagpaabot ng pakikiramay ang National Police Commission (NAPOLCOM) sa pamilya at mahal sa buhay ng nasawing pulis matapos ang kaniyang duty noong ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong Lunes, Hulyo 27. 

Sa mensahe ni Commissioner Rafael Vicente R. Calinisan nitong Martes, Hulyo 28, binanggit niyang nasawi ang nasabing pulis matapos maaksidente sa kalsada pagkatapos ng kaniyang 24-hour security deployment noong SONA.

“I extend my deepest condolences to the family, loved ones, and colleagues of the police officer who tragically lost his life in a road accident after reportedly completing a 24-hour security deployment during the State of the Nation Address (SONA) on July 27, 2026,” saad ng Calinisan. 

Aniya pa, nakikiisa siya sa pagdadalamhating ito ng naulilang pamilya ng pulis at ng buong Philippine National Police (PNP). 

Samantala, inatasan na ni Calinisan ang NAPOLCOM na agad makipag-ugnayan sa PNP at iba pang kinauukulang ahensya upang mapadali ang proseso ng benepisyong ipaaabot nila sa naulilang pamilya. 

Metro

SONA ni PBBM, ‘generally peaceful’–PNP

Pagtitiyak pa ng opisyal, ibibigay nila sa pamilya lahat ng kinakailangan nila upang matulungan sila sa kanilang pagluluksa. 

“Nakikiisa ako sa pagdadalamhati ng kanyang pamilya at ng buong Philippine National Police. Inatasan ko na ang mga kinauukulang tanggapan ng NAPOLCOM na agad makipag-ugnayan sa PNP at iba pang kaukulang ahensya upang mapadali ang pagproseso ng lahat ng benepisyong nararapat sa kanyang mga naulila. Hindi namin sila pababayaan. Makakaasa ang kanyang pamilya na gagawin ng NAPOLCOM ang lahat ng maaari nitong gawin upang matulungan sila sa panahong ito,” ani Calinisan.