VATICAN CITY (AP) — Sa pagbisita ni Pope Francis sa Fatima shrine sa Portugal ay idideklara niyang santo ang dalawang batang pastol na nakakita kay Birheng Maria, may 100 taon na ang nakalipas.

Tinipon ni Pope Francis ang kanyang mga cardinal upang pormal na itakda ang Misa para sa canonization ng magkapatid na Francisco at Jacinta Marto sa Mayo 13.

Ito ay kasunod ng mahimalang paggaling ng isang bata sa Brazil.

Anim na beses na nagpakita ang Birheng Maria sa magkapatid na Marto at kanilang pinsan sa ibabaw ng isang puno ng olive noong 1917 at sinabi sa kanila ang tatlong sikreto. Namatay ang magkapatid sa sakit na pneumonia makalipas ang dalawang taon, sa edad na 9 at 11. Idineklara silang banal ni St. John Paul II noong Mayo 13, 2000.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ang kanilang pinsan at kapwa visionary na si Lucia de Jesus dos Santos, naging madreng Carmelite at namatay noong 2005, ay ipinoproseso na rin ang pagiging santo.