ISLAMABAD/Baghdad (AP) — Umatake ang mga suicide bomber ng grupong Islamic States sa Pakistan at Iraq na ikinamatay ng mahigit 100 katao noong Huwebes.

Pinasok ng suicide bomber ang isang pamosong shrine sa Lal Shahbaz Qalandar sa Sehwan, sa katimugan ng Pakistan, at pinasabog ang sarili sa gitna ng mga mananampalataya. Namatay ang 80 katao, sa pinakamadugong pag-atake sa bansa sa loob ng mahigit dalawang taon.

Isang car bomb naman ang pinasabog sa isang tindahan ng kotse sa komunidad ng mga Shiite sa al-Bayaa, Baghdad na ikinamatay ng 55 katao at ikinasugat ng mahigit 60.

Inako ng IS ang mga pag-aatake sa Aamaq news agency nito. Ayon sa grupong Sunni, target ng kanilang mga pag-atake ang mga kalabang Shiite Muslim.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na