AMMAN (AFP) – Binomba ng mga eroplanong pandigma ng Jordan ang mga posisyon ng grupong Islamic State sa katimugan ng Syria, dalawang taon matapos hulihin at patayin ng mga jihadist ang isa sa mga piloto nito.

Disyembre 2014 nang hulihin ng IS si Maaz al-Kassasbeh matapos bumulusok ang eroplano nito sa Syria at noong Pebrero 3, 2015, ay inilabas ng grupo ang footage ng pagsusunog nang buhay sa piloto habang nakakulong sa hawla.

Isinabay ang pambobomba nitong Biyernes sa ikalawang anibersaryo ng paglabas ng video.

‘’Jordanian Air Force planes, in memory of our martyrs who have fallen in our war against terrorism, on Friday evening targeted various positions of the terrorist gang Daesh in southern Syria,’’ Ayon sa militar sa isang kalatas, gamit ang Arabic acronym para sa IS.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline