Kasabay ng kapistahan ng Sto. Niño, kalunus-lunos ang sinapit ng bagong silang na sanggol na nakitang palutang-lutang sa isang creek sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 4:30 ng madaling araw nang bumulaga sa mga nangangalakal ng basura ang bangkay sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Agad nila itong ipinagbigay-alam sa barangay at sa pulisya na nag-imbestiga upang malaman kung sino ang nag-iwan sa sanggol.

Ayon sa mga nakadiskubre, ang sanggol ay ibinalot sa kapirasong damit na ginawang lampin. (Jun Fabon)
National

PBBM, binigyang-pugay si Gwyn Dorado sa pag-usbong ng karera sa South Korea