Humihingi ng P10 milyon ransom ang Abu Sayyaf kapalit ng pagpapalaya sa apat na mangingisdang dinukot ng mga ito habang naglalayag sakay sa FB Ramona 2 sa Jolo, Sulu noong nakaraang buwan.

Ito ang kinumpirma ng Ramona Fishing Company sa Tambler, General Santos City, sinabing nasa P10 milyon ransom na lang ang hinihingi ngayon ng Abu Sayyaf mula sa dating P50 milyon na hinihingi ng mga ito.

Ito ang nabatid ng pulisya mula kay retired Army Major Allan Bendecio, security chief ng Ramona Fishing Company.

Ayon kay Bendecio, mula sa P50 milyon ay ibinaba ang ransom sa P30 milyon, at nitong huli ay humihingi na lang ang grupo ng bandido ng P10 milyon kapalit ng kalayaan ng mga mangingisda.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Gayunman, nanindigan umano ang may-ari ng kumpanya sa “no ransom policy” ng gobyerno.

Disyembre 19, 2016 nang dukutin sina Noel Esconde, 45, boat captain; Roel Liones, 30, assistant boat captain; Regem Racabo, 40; at Rey Ramos, 36, pawang taga-GenSan habang sakay sa FB Ramona 2.

SUNDALO PATAY, 4 SUGATAN

Samantala, isang Army captain ang napatay habang apat na sundalo pa ang nasugatan sa pakikipagbakbakan sa Abu Sayyaf sa Sumisip, Basilan nitong Huwebes.

Ayon sa report sa Basilan Police Provincial Office, nangyari ang engkuwentro sa Barangay Cabcaban sa Sumisip.

Base sa ulat ni Major Filemon Tan, Jr.,tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WestMinCom), nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 19th Special Forces Company (19SFC) at 4th Special Forces Battalion (4SFB) ng Philippine Army nang makasagupa ang pangkat ng ASG leader na si Furiji Indama. (Fer Taboy)