BANGKOK (Reuters) – Umabot na sa 21 katao ang namatay sa malawakang pagbaha sa katimugan ng Thailand. Apektado ang rubber production sa rehiyon, nagsara ang ilang paliparan at nahinto ang mga biyahe ng tren, sinabi ng mga opisyal kahapon.

Kadalasang nagtatapos ang tag-ulan sa Thailand sa huling bahagi ng Nobyembre at bibihira ang matinding baha sa Enero.

Hindi rin pangkaraniwan ang malakas na ulan na bumuhos sa 12 sa 67 lalawigan, ayon sa mga opisyal.

“We have sent soldiers, police and the Ministry of the Interior to ease the situation,” sabi ni Deputy Prime Minister Prawit Wongsuwan sa mamamahayag.

Internasyonal

DFA, nanawagang itigil ang karahasan sa Syria

Mahigit 330,000 kabahayan ang apektado ng baha.