Marumi, maputik at delikado sa kalusugan ang Langaray Public Market kaya ito giniba ng Caloocan City Government noong nakaraang Linggo.
Bukod dito, sinabi ng City Engineer na mahina na ang istruktura ng palengke at maaaring mawasak ito ng mahinang lindol o malakas na hangin, na maglalagay sa peligro sa mga mamimili.
Naglaan ng P80 milyon ang Pamahalaang Lokal ng Caloocan para sa konstruksiyon ng bagong palengke. Pansamantalang ililipat ang mga tindero sa Langaray Talipapa at tiniyak ni Mayor Oscar Malapitan na muli silang ibabalik sa bagong Langaray Public Market sa Abril 2017.