BEIJING (Reuters) – Dinepensahan ng China ang karapatan nito na maglagay ng “necessary military installations” sa mga artipisyal na isla sa South China Sea, matapos sabihin ng isang US think-tank na naglatag ang Beijing ng mga armas gaya ng anti-aircraft at anti-missile systems.

Sinabi ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) sa Center for Strategic and International Studies na ang mga tuklas nito ay batay sa analysis ng satellite images sa Spartlys.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ng Defence Ministry ng China na para sa sibilyan ang itinayo nitong mga istruktura sa mga isla at bahura.

“As for necessary military installations, they are mainly for defence and self-protection and are legitimate and lawful,” anito. “If someone makes a show of force at your front door, would you not ready your slingshot?”

Internasyonal

Sikat na nagyeyelong Mt. Fuji sa Japan, hindi nag-snow matapos ang 130 taon