Nagbalik sa Russia si Filipino junior lightweight top 10 contender Rimar Metuda para labanan sa Biyernes ang walang talong si Isa Chaniev sa Saint Petersburg na nakataya ang bakanteng IBF Youth world super featherweight title.
Ito ang ikalawang sunod na laban ni Metuda sa Russia matapos siyang talunin sa manipis na 10-round unanimous decision ni Mirzhan Zhaksylykov para sa bakanteng WBC Asian Boxing Council super featherweight title nitong Setyembre 9 sa Traktor Sports Palace sa Chelyabinsk.
Minsan pa lamang lumabas sa Russia si Chaniev nang talunin ang mas beteranong kababayan na si Alexander Saltykov sa 5th round TKO nitong Abril 22, 2016 sa Tampere, Finland.
May rekord si Chaniev na perpektong 9-0 tampok ang limang knockout, samantalang si Metuda ay may kartadang 10-1-0, kabilang ang limang TKO. (Gilbert Espeña)