Nakatikim ng sampal si Ronnie Dayan kay Senator Leila de Lima.
Sa kanyang pagharap sa Kamara, ikinuwento ni Dayan, dating drayber, bodyguard at lover ni De Lima, na minsan din siyang nakatikim ng sampal sa huli.
“Noong pumunta po ako sa Maynila, may suot akong baller dito (sa kamay) at saka dito sa paa. Pagkatapos noong nakita niya, pak, ginanoon niya ako... pinalo niya ako dito (sa pisngi),” ayon kay Dayan.
Ang baller ay nagsasaad ng pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong panahon ng kampanya.
Matapos masampal, sinabi umano ni Dayan kay De Lima na “Ito ang presidente ko e. Ito ang idol ko, namin sa Pangasinan.”
Tugon umano ni De Lima, “mag-a-idol ka rin lang sira ulo pa.”
“Ang sagot ko naman po, walang basagan ng trip,” sagot umano ni Dayan kay De Lima.