Humarap din sa House Committee on Justice ang anak ni Ronnie Dayan na si Hannah Mae, upang ipakita ang palitan nila ng text messages ni Senator Leila de Lima na naglalaman ng payong huwag sumipot sa pagdinig ng Kamara ang una.

Binasa ni Hannah Mae, 23, ang palitan nila ng text message na nagsasaad ng mga katagang: “Pakisabi sa kanya, magtago lang muna sya. Kagagawan ‘yan nina Speaker Alvarez at dikta ni Digong,” mensahe umano ni De Lima.

Ang text umano ni De Lima ay sagot sa balita ni Hannah Mae na nakatanggap ng subpoena ang kanyang ama at tinatanong ng batang Dayan kung ano ang gagawin nila.

Matapos ang sagot ni De Lima ay nag-text back si Hannah Mae at tinanong kung hindi huhulihin ang kanyang ama kapag hindi sumipot sa pagdinig. Hindi na umano sumagot pa si De Lima.

Akbayan, kinatigan kilos-protesta kontra mina sa Dupax Del Norte

Sinabi ni House Majority Floor Leader Rudy Fariñas na ang umano’y text ni De Lima ay indikasyon ng “obstruction of justice” at “contempt” sa pagdinig ng Kamara.

Unang sinabi ni Dayan na nang makatanggap sila ng subpoena galing sa Mababang Kapulungan, humihingi siya ng payo kay De Lima. Dahil hindi sinasagot ang text messages niya, inutusan niya ang kanyang anak na mag-text at doon nagkaroon ng komunikasyon sa pagitan ng mga Dayan at De Lima nitong Oktubre 1.