Labing-apat na katao ang nasugatan sa karambola ng isang bus, isang SUV at limang motorsiklo sa Commonwealth Avenue, Quezon City, iniulat ng Traffic Sector 5 kahapon.

Base sa report ng hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU) na si Supt. Cipriano L. Galanida, ganap na 8:30 ng gabi nang mangyari ang karambola sa Commonwealth Avenue.

Patungong Fairview ang Mayamy Bus (UVP- 853) na minamaneho ni David Nahibuan, 62, ng Barangay Kaligayahan, Quezon City, at matuling binabaybay ang Commonwealth Avenue nang bigla itong nawalan ng preno bago sumapit sa traffic light sa Tandang Sora.

Sa biglang paghinto ng bus habang naka-green light, nasalpok ito ng kasunod na SUV hanggang sa sunud-sunod nang nagkabanggaan ang nakabuntot na limang motorsiklo.

'Expected po 'yan!' Malacañang, nag-react sa paglagpak ng Pinas sa Corruption Perceptions Index 2025

Nasugatan ang mga pasahero ng bus at ang mga angkas sa motorsiklo.

Nabatid na bukod sa mga pasahero na isinugod sa pagamutan para sa paunang lunas, nagtamo rin ng pinsala ang mga sasakyang nagkarambola, ayon sa traffic investigator na si SPO1 Afredo Moises. (Jun Fabon)