Parang bata na kinaladkad palabas ng bahay ng dalawang hindi nakilalang salarin ang isang taxi driver bago pinagbabaril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa Manila Central University (MCU) Hospital na binawian ng buhay si Garry Agbuya, 41, ng Barangay 151, Bagong Barrio, dahil sa mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report, dakong 3:00 ng umaga at himbing na natutulog sa loob ng kanyang bahay si Agbuya kasama ang kanyang pamilya nang nagising ang biktima sa lakas ng sunud-sunod na katok sa pinto.

Pagbukas ng pinto ay bumungad sa biktima ang dalawang armadong lalaki na nakasuot ng maskara at kinaladkad siya palabas ng bahay bago pinagbabaril.

Internasyonal

Ipadedeport! Pinoy detainee, pinakawalan ng ICE matapos umano'y mapabayaan sa kulungan; maputulan ng bahagi ng paa

Inamin naman ni Jona Palomo, live-in partner ng biktima, na nasa drug watchlist ng barangay si Agbuya.

(Orly L. Barcala)