Nalagutan ng hininga ang isang magkaibigan na umano’y sangkot sa ilegal na droga makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Caloocan City, nitong Biyernes ng hatinggabi.

Sa report kay Police Sr. Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan Police, kinilala ang mga napatay na sina Henry Vargas, 36, barker, ng No. 1829 Camia Street; at si Celito Panganiban, 40, basurero, ng No. 187 Cattleya St., Barangay 177, Camarin ng nasabing lungsod.

Base sa ulat, dakong 12:35 ng madaling araw, abala sa pagkakabit ng ilegal na kuryente sina Panganiban at Vargas sa lugar ng una.

Makalipas ang ilang sandali, dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay sa motorsiklo at walang habas na pinagbabaril ang mga biktima na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Internasyonal

1 sa 3 college students, nagse-cellphone habang nakikipagbembangan—survey

Kitang-kita ni Armida, asawa ni Panganiban, ang pangyayari ngunit wala umano siyang nagawa kundi umiyak na lamang at panoorin ang pagtakas ng mga suspek.

Inamin naman ng ina ni Panganiban na si Aurora, 69, na gumagamit ng shabu ang kanyang anak at ginagawang drug den ng dalawa ang kanyang bahay. (Orly L. Barcala)