Mariing itinanggi ng pamunuan ng Manila City Hall ang balitang isinugod sa pagamutan si dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada.

Ang pahayag ay ginawa ni Bambi Purisima, media relations officer ni Estrada, matapos na mag-viral sa social media nitong Martes ng gabi na isinugod sa UST Hospital sa Sampaloc, Manila ang alkalde.

Ayon kay Purisima, walang katotohanan ang mga naglabasang balita na nasa pagamutan ang 79-anyos na alkalde.

Iginiit rin niya na walang anumang iniindang sakit ang alkalde at nasa mabuti itong kalagayan sa ngayon.

National

'Unahin niya ang sarili niya!' Usec. Castro, binuweltahan VP Sara sa umano'y 'impeachable offenses' ni PBBM

Sa katunayan aniya ay maaga pa ngang naghanda si Estrada nitong Miyerkules ng umaga para sa kanyang pagpasok sa Manila City Hall. (Mary Ann Santiago)