Pinagtulung-tulungan ng apat na armado na pagpantayin ang mga paa ng isang tricycle driver matapos nilang pagbabarilin sa sarili nitong bahay sa Pateros, kahapon ng madaling araw.

Ilang tama ng bala ng baril sa katawan ang sanhi ng pagkamatay ni Ellison Cruz, y Opanda, 51, ng Alley 11, Barangay Santa Ana ng nasabing munisipalidad.

Blangko pa ang awtoridad sa pagkakakilanlan ng apat na lalaking suspek na pawang nakasuot ng bonnet at sakay sa dalawang motorsiklong walang plaka.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Felicito Brijuega ng Pateros Police Station, dakong 3:30 ng madaling araw nangyari ang pamamaril sa loob ng bahay ng biktima.

National

Korte Suprema, kinilala 'Property Rights' ng same-sex relationships

Natutulog ang biktima nang pasukin ng mga suspek ang kanyang bahay bago siya tuluyang pinagbabaril.

Ayon kay Pateros Police chief Senior Supt. Joel Villanueva, kabilang sa drug watch list ang biktima. (Bella Gamotea)