Nalagutan ng hininga ang isang rider matapos umanong manlaban sa mga nagpapatrulyang pulis na sumita sa kanya dahil sa hindi pagsuot ng helmet sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa kung ilang tama ng bala ang bumaon sa katawan ni Crispin Dacio, 26, ng 367 Algeciras Street, Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 2:45 ng madaling araw nangyari ang insidente sa harapan ng Esteban Abada High School, sa may Blumentritt Extension, Sampaloc, Maynila.

Nagpapatrulya sina Police chief Insp. Christian Dee Cacho at PO1 Aldrin Aviar, sakay sa Mobile Car 328, nang mapansin ang suspek na sakay sa motorsiklo na walang plaka at walang suot na helmet.

Nakonsensyang holdaper, kusang sumuko sa pulisya; ginamit na kutsilyo at baril, laruan lang!

Sinita umano ng mga pulis ang suspek ngunit nang lapitan nila ito ay bigla na lang bumunot ng baril at sila’y pinaputukan. Alerto namang pinaputukan ng mga pulis Dacio na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nakumpiska sa suspek ang isang .38 kalibre na baril at mga pinatuyong dahon ng marijuana. (Mary Ann Santiago)