BANGKOK (Thailand) – Dose-dosenang flights patungo sa hilaga ng Thailand ang kinansela o binago para sa pagdiriwang ng bansa ng taunang Floating Lantern ngayong linggo.

Ipinahayag ng Chiang Mai International Airport, ang pangunahing paliparan sa hilagang Thailand na ang ilang flights ay kanselado mula Nobyembre 12 hanggang 16 dahil maaaring makaapekto sa kaligtasan ang pagpakawala ng floating lanterns sa festival.

Ang Floating Lantern festival ay ipinagdiriwang sa pagtatapos ng tinatawag na “rainy season” sa pagpapakawala ng paper lanterns sa kalawakan kasabay ng full moon.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na