MIDTOWN, Manhattan (AP, Reuters) — Patay ang isang Pinay matapos itinulak sa riles ng isang babae sa subway sa New York.
Nangyari ang insidente dakong 9:20 ng umaga noong Lunes sa Times Square station. Ang biktima ay si Connie Watton, 49-anyos, mula sa Pilipinas, at housekeeper ng bilyonaryong si Blackstone Group CEO Stephen Schwarzman.
Inaresto ng mga pulis ang suspek na si Melanie Liverpool, 30, matapos nitong itulak si Watton sa southbound 1 train.
Ayon sa prosecutors, umamin sa kanila si Liverpool ngunit nang iharap sa arraignment ay itinanggi nito ang nangyari.
“What? I didn’t admit to nothing,” pairap na sabi ni Liverpool sa hukom. Inilarawan ng mga awtoridadang suspek na tila wala sa katinuan.
Ayon sa mga imbestigador, bago ang insidente nakitang nag-uusap o nagbabangayan sina Liverpool at Watton sa platform ng Times Square station bago itinulak ng suspek ang biktima nang makitang paparating ang tren.