Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng isang tricycle driver na namatay matapos mabundol ng pampasaherong jeep at mabagok sa semento sa Malabon City, nitong Huwebes ng tanghali.
Dead on the spot si Antonio Pajarpa, 55, habang sumuko naman ang jeepney driver na si Wilfredo Dilla, 51, ng M. Quizon Street, Tondo Maynila.
Ayon kay Sr. Insp. Romulo Mabborang ng Malabon City Traffic Unit, dakong 10:00 ng umaga nangyari ang aksidente sa kahabaan ng C-4 Road, Malabon City.
Namamasada si Pajarpa at marahan ang pagpapaandar sa kanyang tricycle nang biglang suyurin ng pampasaherong jeep na puno ng pasahero.
Tumilapon ang biktima at tumama ang ulo sa semento.
Umaapela ng tulong ang anak ng bitkima na si Abel dahil wala umano silang perang pampalibing.
Kasong reckless imprudence in resulting to homicide and damage to property ang isinampa laban kay Dilla.
(Orly L. Barcala)