MIAMI (AFP) – Halos lahat ng buhay sa Mundo ay binabago na ng umiinit na panahon, babala ng researchers nitong Huwebes.

Natuklasan sa pag-aaral sa Science journal na 82 porsiyento ng pangunahing ecological processes, kabilang na ang genetic diversity at migration patterns, ang binabago ng global warming.

Ang mga epekto nito ay umaabot na sa kalupaan, karagatan at freshwater environments, kahit na ang temperatura ay tumaas lamang ng 1.87 degrees Fahrenheit (1 degree Celsius) mula sa pre-industrial times dahil sa pagsusunog ng fossil fuel.

“We now have evidence that, with only about one degree C of warming globally, major impacts are already being felt,” sabi ng pangunahing may-akda ng pag-aaral na si Brett Scheffers, miyembro ng International Union for Conservation of Nature Climate Change Specialist Group at assistant professor sa University of Florida.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Maaapektuhan ng mga pagbabagong ito ang tao sa pamamagitan ng outbreak ng mga sakit, pabagu-bagong ani at pagkaunti ng nahuhuling isda, na magiging banta sa seguridad sa pagkain, ayon sa mga eksperto.