BRISBANE, Australia (AP) – Walang suot na pang-itaas, hinihingal at gusot-gusot ang damit, kumaripas pabalik sa Parliament ang mga naalimpungatang mambabatas nitong Biyernes ng madaling araw.

Kakatwang panoorin ang mga mambabatas ng Queensland habang tumatakbo sa papasok sa bulwagan ng Parliament sa Brisbane na nakapaa, naka-shorts at T-shirts. Ang isa ay nakapagsuot ng jacket ngunit walang kamiseta.

Biglaan silang ipinatawag dakong 2:30 ng umaga nitong Biyernes upang pagbotohan ang hirit ni opposition lawmaker Jeff Seeney na magbigay ng unscheduled speech.

Matapos kuwestyunin ang hindi nila pagsunod sa dress code, pinayagan ni Speaker Peter Wellington ang irregular attire ng mga mambabatas at pinagmadali silang bumoto. Natalo si Seeney sa kanyang mosyon para magsalita, sa botong 42-32, bago nagsara ang Parliament dakong 3:00 ng umaga.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline