Kahit menor de edad ay hindi pa rin pinalampas ng mga vigilante na pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang lalaki na bumibili lamang ng sigarilyo sa isang tindahan sa Caloocan City, nitong Martes ng hapon.
Dead on the spot si Ronel Aleta, 17, ng Phase 2, Package 3, Block 75 Commercial Area, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng cal. 45 sa ulo.
Ayon sa report, dakong 1:00 ng hapon, lumabas sa bahay si Aleta para bumili ng sigarilyo sa kalapit tindahan.
Hindi pa man nakararating sa tindahan ang binatilyo ay nilapitan na siya ng dalawang lalaki na nakasuot ng mask at binaril ang biktima.
Inamin ni Wennie Aleta, ina ng biktima, na gumagamit ng ilegal na droga si Ronel pero hindi umano ito drug pusher.
(Orly L. Barcala)