Nalagutan ng hininga ang isa umanong tulak ng ilegal na droga matapos pasukin sa loob ng bahay at pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City, nitong Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot si Crisanto Diaz, 38, ng Tambakol Street, ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report, dakong 11:30 ng gabi, himbing na himbing si Diaz sa loob ng kanyang inuupahang bahay nang pasukin at pagbabarilin ng mga suspek na kapwa nakasuot ng bonnet.

Ayon sa kapitbahay ng biktima, bago pumasok ang dalawang suspek ay pinaalis pa ng mga ito ang mga nakatambay sa gilid ng bahay ng biktima.

Laman ng puso ni Sen. Go, 'tatak Duterte!'

Narinig pa umano ng mga anak ni Diaz na noo’y nasa kapitbahay ang mga putok ng baril kung kaya’t mabilis silang nagtungo sa kanilang bahay at bumulaga ang bangkay ng kanilang tatay.

Inaalam pa ng mga pulis kung may kinalaman sa ilegal na droga ang insidente. (Orly L. Barcala)