Nanawagang muli kahapon ang Department of Education (DepEd) sa publiko, lalo na sa netizens, na huwag mag-post ng announcements sa suspensiyon ng klase lalo na kung ito ay galing sa “unverified” sources.

Sa isang opisyal na pahayag, nag-isyu ang DepEd ng public apology sa kalituhang idinulot ng isang tweet na nagsasabing suspendido ang klase sa Metro Manila kahapon, Oktubre 20 dahil sa bagyong ‘Lawin’.

“In an effort to catch all announcement from different sources (government agencies, LGUs, schools, etc), a tweet from a fake account of a trusted agency was quoted,” pahayag ng DepEd.

Inamin ng DepEd na nagkamali ang opisyal na Twitter account nitong @DepEd__PH sa pagpo-post ng maling impormasyon tungkol sa class suspension sa mga eskuwelahan sa National Capital Region (NCR). “Unfortunately, the tweet was shared and quoted before it was taken down,” paliwanag nito.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

Inulit ng kagawaran ang apela nito na huwag magpakalat ng maling impormasyon tungkol sa suspensiyon ng klase upang maiwasan ang pagkalito. “This apology comes with the appeal to the public to refrain from unverified or malicious #walangpasok announcements,” anang DepEd.

Bagamat ang suspensiyon ng klase kapag masama ang panahon ay hindi na nakaatang sa DepEd, patuloy itong nagre-retweet ng announcement sa class suspension mula sa iba’t ibang sources.

Samantala, ipinaalala ng DepEd sa publiko ang mga protocol sa class suspension kapag masama ang panahon, na ang mga estudyante at magulang ay hindi na kailangang maghintay ng announcement ng DepEd.

Alinsunod sa EO No. 66, s. 2012, “Localized cancellation or suspension of classes and work in government offices may be implemented by local chief executives, as chairmen of the Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) concerned, in coordination with PAGASA and the NDRRMC, specifically in flood-prone or high risk areas” kapag wala namang typhoon signal warnings. (Merlina Hernando Malipot)