Wala nang buhay nang datnan ang officer-in-charge ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Negros Island Region sa tinutuluyan niyang condominium unit sa Valenzuela City, nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Sr. Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, kinilala ang biktima na si Margie Biligan, 41, ng Unit 5-C- 15, 5thFloor, Tower C. Isabelle De Valenzuela, No. 43 McArthur Highway, Barangay Marulas, Valenzuela City.

Ayon kay Mendoza, hindi nakadalo sa quarterly seminar si Biligan na ginanap sa Manila Grand Hotel noong Linggo ng hapon.

Matapos ang seminar, tinawagan ng kanyang mga kasamahan ang dalaga pero ring lang umano nang ring ang cellphone nito at hindi sinasagot.

Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

“Tumawag din daw ‘yung mga friends ng victim sa mga kaanak nito sa Ilocos Sur at sinabing hindi ito nagpunta sa probinsiya,” ani Mendoza.

Dahil dito, nagpasya na umano ang mga kaibigan ni Biligan na magpunta sa Valenzuela City Fire upang humingi ng tulong para makapasok sa tinutuluyang condominium ng biktima.

Sa tulong ng security officer ng condominium na si Bernard Gutierrez, puwersahang binuksan ang tinutuluyan ni Biligan at dito tumambad ang naaagnas na bangkay ng biktima.

Sa cursory examination ng Scene on the Crime Operatives (SOCO), walang foul play na nangyari at hindi rin umano ito pinagnakawan dahil naroroon ang mahahalagang gamit ng dalaga.

Ayon kina SPO2 Rey Bragado at PO3 Ronald Tayag ng Station Investigation Unit (SIU), diabetic, asthmatic at may sakit puso ang biktima at maaaring inatake ito. (Orly L. Barcala)