Patay ang kaalyas ni Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa nang pagbabarilin ng tatlong armado na pawang sakay sa motorsiklo sa Parañaque City, nitong Lunes ng gabi.

Dead on the spot si Edwin Mendoza Alon-Alon, alyas “Bato”, 47, barker, ng Manuel Roxas Street, Barangay Baclaran ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa ulo at katawan buhat sa hindi batid na kalibre ng baril.

Sa ulat na natanggap ni Parañaque City Police chief Sr. Supt. Jose Carumba, dakong 11:30 ng gabi nangyari ang insidente sa harap ng 7 Eleven convenience store, sa panulukan ng Quirino Avenue at Airport Road, Bgy. Baclaran.

Bago ang insidente, abala umano ang biktima sa pagtatawag ng pasahero nang sumulpot ang mga suspek at isa sa kanila ang bumunot ng baril at tuluyang pinagbabaril sa ulo at katawan ang biktima.

National

Bukod kay De Lima: Diokno, uupong prosecutor sa impeachment ni VP Sara

Muntik namang matamaan ng bala ang isa sa mga pasahero ng jeep na hindi binanggit ang pangalan, habang kumaripas ang driver na si “Joey” at iniwan ang ipinapasadang jeep sa gitna ng kalsada sa takot na madamay sa insidente.

(Bella Gamotea)