ROME (AFP) — Malulugmok sa matinding pagdarahop ang 122 milyong katao pagsapit ng 2030 dahil sa climate change.

Pinakamarami ang maghihirap sa South Asia at Africa, kung saan liliit ang ani ng mga magsasaka, babala ng United Nations nitong Lunes.

Sa taunang ulat, nagbabala ang Food and Agricultural Organization (FAO) ng UN na ang pinakamalalang scenario ay pahihirapan ng malalang epekto ng climate change ang mga komunidad na nakasandal sa agrikultura para sa kanilang kabuhayan.

Nanawagan ang FAO ng “broad-based transformation of food and agricultural systems” upang maagapay sa mas umiinit na mundo, at madoble ang suporta para sa 475 milyong pamilya ng maliliit na magsasaka sa mundo.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

“What climate change does is to bring back uncertainties from the time we were all hunter gatherers. We cannot assure any more that we will have the harvest we have planted,” sabi ni FAO chief Jose Graziano da Silva.