Sasabak ang lima sa kabuuang 15 miyembro ng Herbalife Triathlon Team upang irepresenta ang Pilipinas sa matinding Ironman Malaysia 2016 sa Jewel of Kedah Island sa Langkawi, , Malaysia sa susunod na Sabado, Nobyembre 12.

Ang lima ay sina Laarni Anenias-Paredes, 37, mula Los Baños, Laguna, Lezette Albarote ng Cagayan de Oro City, at sina Ronald Molit, Edric Ravalo at Carlo Chiong.

Itataguyod ang mga professional triathletes ng Herbalife International Philippines, Inc. na may ilang taon na sumusuporta sa lima at 10 pa nilang mga kasamahan na hindi sa kapuluan ng bansa sumasabak sa mga triathlon competitions, kundi maging sa ibang bansa gaya ng nalalapit na Langkawi full-ironman na may distansyang 3.8-kilometer, 180km bike at 42.2K run.

“Malaking bagay ang nutritions na tulong ng Herbalife sa amin, pati sa sa iba pang aspects sa mga laro namin here and abroad,” ani Paredes, na ang mister na si John Omar B. Paredes ay teammate at kalalagak lang na unang Pinoy finisher sa loob ng 16 hours sa Iskalar Norseman Xtreme sa Western ng Norway noong Agosto 6 sa nasabi ring distansiya.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Ang taunang triathlonfest ang isa sa pinakamahirap kung hindi man pinakamapanghamon sa mundo. Ang Ironman Malaysia ay mananatili sa standard race format ng IRONMAN triathlon event kung saan ng mga kalahok ay dapat na makumpleto ang kabuuang distansiya na 226km sa loob ng 17 oras. (ANGIE OREDO)