Nasa 3,000 biktima ng bagyong ‘Yolanda’ sa Capiz ang nagpoprotesta ngayon dahil hindi pa rin umano sila nakatatanggap ng anumang tulong mula sa gobyerno halos tatlong taon na ang nakalipas matapos manalasa ang super bagyo.

Nagpadala ng letter of appeal ang mga biktima kay Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo upang ipanawagan na mabigyan din sila ng tulong upang makabangon na sila sa kanilang buhay.

Paliwanag ng grupong Buylog-Capiz, kalakip sa kanilang liham ang listahan ng mga pangalan ng mga biktima ng pinakamapinsalang bagyo sa kasaysayan.

Kaugnay nito, inimbita na rin ng grupo si Taguiwalo upang dumalo sa idaraos nilang “Yolanda Summit” sa Nobyembre 8, ang ikatlong taon ng paggunita sa bagyong kumitil sa buhay ng mahigit 6,000 katao sa Eastern Visayas. (Rommel Tabbad)
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol