Oktubre 13, 1773 nang madiskubre ng French astronomer na si Charles Messier ang Whirpool Galaxy, na kung tawagin niya ay M51. Kinokolekta niya ang mga bagay na maaaring makalito sa “comet hunters”.
Ang Whirlpool Galaxy , na unang kinilala bilang isang spiral galaxy, ay tinawag din na “Messier 51a” o “NGC 5194.” Aabot sa 23 million light-years ang layo mula sa Milky Way.
Madalas pag-aralan ng mga professional astronomer ang Whirpool Galaxy upang maintindihang mabuti ang galaxy interactions at galaxy structure.
Taong 1781, nadiskubre ni Pierre Méchain ang companion galaxy na tinawag na NGC 5195.
Lumalabas sa radio astronomy at radio images na ang Whirlpool Galaxy at NGC 5195 ay may interaksiyon.