RIO DE JANEIRO (AP) – Tatlo ang patay sa ilang oras na barilan ng mga pulis at mga kriminal sa Rio de Janeiro na nagdulot ng pagsara ng mga kalye, negosyo at tindahan.

Sumiklab ang engkuwentro sa maralitang pamayanan ng Pavão-Pavãozinho, na katabi naman ng mayayamang distrito ng Ipanema at Copacabana, noong Lunes ng umaga. Hinarangan ng police vehicles ang mga kalye sa paligid at nagpaikot-ikot sa itaas ang police helicopters.

Nagkaputukan nang lusubin ng mga awtoridad ang drug traffickers na nagtatago sa Pavao-Pavaozinho. Inabot ng ilang oras ang barilan at isang bomba ang sumabog malapit sa isang metro station sa Ipanema. Nagsara ang mga negosyo sa Copacabana at Ipanema.

Sa Cidade de Deus (City of God), isang slum na may kasaysayan ng karahasan, 21 eskuwelahan ang isinara noong Lunes dahil sa engkuwentro ng mga pulis at ng mga gang sa lugar. Dalawang pulis ang namatay roon kamakailan.
Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na