Naperwisyo na naman ang libu-libong pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 matapos magkaaberya ang operasyon nito kahapon ng umaga.

Dakong 6:30 ng umaga, nagkaroon ng problema ang signaling system dahilan upang ipasya ng pamunuan ng LRT Line 1 na magpatupad ng provisionary service ang biyahe ng kanilang tren mula sa Baclaran patungong Monumento station lang at vice versa.

Itinigil pansamantala ang operasyon ng LRT Line 1 mula sa Monumento patungong Balintawak at Roosevelt stations bunsod ng nasabing problema.

Nagngitngit naman sa galit ang mga pasahero na napilitang makipag-agawan at makipagsiksikan sa mga pampasaherong bus at jeepney.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Nakadagdag din sa inis ng mga pasahero ang pansamantalang pagkakasara ng tawiran sa kabilang linya ng EDSA na nakakonekta sa LRT station.

Pasado 8:00 ng umaga nang magbalik sa normal na biyahe ang mga tren sa LRT Line 1. (Bella Gamotea)